KATE DAYAWAN

SOUTH COTABATO - Kaliwa’t kanan man ang patunay ng mga residente sa tinatamasang libreng edukasyon at libre hospitalisasyon sa lalawigan ng South Cotabato-
Tuloy sa pag-iikot si South Cotabato Governor at Re-electionist Reynaldo Tamayo, Jr. sa mga barangay sa probinsya upang ilahad ang kanyang pagnanais na ituloy ang mga nasimulang programa para sa mga South Cotabatenio.
Noong araw ng Martes, nagtungo sa bayan ng Surallah ang gubernador. Aniya, ang patuloy na pagmamahal at pagtitiwala ng mga mamamayan ng South Cotabato ang siyang magpapatuloy ng mga nasimulang pagbabago sa lalawigan.
Kung nanaisin umano ng mga kababayan nito ay marami pa umanong magagawa at dapat gawin ang gubernador para mas maiangat ang pamumuhay ng mga kababayan nito.
Sa ngayon, base sa isinagawang Pulso sang South Cotabato ng Marbel PH – Koronadal City at Marbel Boy, nangunguna pa rin si Governor Tamayo laban sa kanyang mga katunggali na si Incumbent Congressman Ferdinand “Dinand” Hernandez at Pastor Ramir Badayos.