top of page

SOUTHWEST MONSOON, PATULOY NA NAKAKAAPEKTO SA IBAT’-IBANG BAHAGI NG BANSA

Fiona Fernandez |iNEWSPHILIPPINES



As of 4am, may minomonitor pa rin ang dalawang sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.


Huling namataan ang Low Pressure Area sa loob ng Philippine Area of Responsibility sa layong 985 km, silangang bahagi ng Extreme Northern Luzon. Posible itong maging mahinang bagyo o tropical depression sa susunod na bente kwatro oras.


Kung sakaling maging bagyo, papangalanan itong Bagyong Ester o panglimang bagyo ngayong taong 2022.



Sa ibang bahagi naman ng Pilipinas kabilang ang Mindanao, makakaranas din ng kalat-kalat na pag ulan dulot ng hanging habagat at localize thunderstorms.


At para naman sa magiging lagay ng ating panahon bukas…


Sa Cotabato City, maglalaro sa 23 - 30 degrees Celsius ang agwat ng temperatura at 65% ang chance of rain.


Sa Maguindanao, papalo rin mula 29 - 30 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 65% ang chance of rain.


Sa South Cotabato naman, maglalaro mula 24 – 30 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 57% ang chance of rain.


21 - 31 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura bukas North Cotabato at 90% ang tsansang uulan.


Sa Zamboanga City, mula 25-31 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura at 45% ang chance of rain.


Habang sa Lanao del Sur naman, papalo mula 21-24 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 87% ang chance of rain.


Sumikat ang araw kaninang 5:36 ng umaga at lulubog 6:03 ng hapon.

3 views
bottom of page