Mr. Jay M. Lasola Jr. | iNEWS Phils | March 23, 2022

Photo courtesy : Elon Musk / Twitter
Cotabato City, Philippines - Balak umanong dalhin ni Elon Musk ang kanyang kumpanyang Space X Satellite Broadband sa Pilipinas upang makapagbigay ng serbisyo sa bansa,
Ito ang binalita ng European Chamber of Commerce in the Philippines President Lars Witting sa panayam nito sa ANC.
Kasunod umano ito ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa batas na aamyenda sa Public Service Act.
Ang Elon Musk Spacelink na umano ang hinihintay na matatag sa Pilipinas, kung saan malakas ang Internet service at kayang makarating sa liblib na lugar, kumpara sa kasalukuyang internet provider na mababang klase at mahina.
End.