top of page

SPECIAL ELECTIONS SA 12 BARANGAYS SA BAYAN NG TUBARAN, LANAO DEL SUR, ISASAGAWA SA MAY 24

Kael Palapar

LANAO DEL SUR — Nais itakda by Commission on Elections o COMELEC ang May 24 bilang 'projected date' ng special elections sa labing-dalawang barangay sa bayan ng Tubaran sa Lanao del Sur kasunod ng pagdedeklara nito bilang failure of election.


Bagama't hindi pa pinal ang petsang inanunso ng COMELEC sa isang press conference, sinabi ni COMELEC Acting Spokesperson Rex Laudiangco na pinaghahandaan na nila ang pagsasagawa ng special elections sa May 24 kasunod ng paghupa ng sitwasyon sa Tubaran.


"Under Section 7 of the Omnibus Election Code, we have to be sure that the cause of the failure of elections should have seized first. That's why kami po ay may projection na May 24th para sa special election sa Tubaran." paghahayag ni Laudiangco.


Iginiit din ng tagapagsalita ng COMELEC na sa bayan ng Tubaran, hindi na umano kinakailangan magprinta ng panibagong ballot at o mag-isyu ng panibagong Vote Counting Machine o VCM dahil hawak pa rin naman ng COMELEC ang mga ito.


Tanging ang special election na lamang ang isasagawa sa May 24.


"No need to prints the ballots, no need to prepare VCMs. All of these are with us and in tact. Yun lang pong mismong halalan ang gagawin." ani Laudiangco.


Sa nalalabing araw bago ang itinakdang 'projected date' ng special elections, ani Laudiangco, pag-aaralan pa umano ng COMELEC kung makaka-apekto sa national elective positions ang kabuuanng bilang ng mga botante sa labing-dalawang barangays sa Tubaran.


"Sa ngayon, hindi pa kami makakapagpahayag but we are optimistic na ito po naman yung lead po sa Tubaran ay hindi makakaapekto given po na malinaw naman ang resulta ng transparency websites." dagdag ni Laudangco.


Paglilinaw din ni Laudangco na sa oras na makita ng National Board of Canvassers na hindi makakaapekto ang special elections sa alinmang national elective positions ay maari nang isagawa ang proklamasyon.


Sa pagkapangulo, nangunguna pa rin si presumptive President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr na may 31,104,175 na boto at runningmate nito sa pagkabise-pangulo na si presumptive Vice-President Sara Duterte-Carpio na may 31,561,948 na boto.

2 views
bottom of page