Kael Palapar

LANAO DEL SUR - Kasunod ng mahigpit na seguridad na ipinatupad ng pwersa ng mga pulis at sundalo sa tatlong polling centers sa bayan ng Tubaran, Lanao del Sur kahapon—
Mapayapa at maayos ayon kay Police Brigadier General Arthur Caballona, Regional Director ng Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region o PRO-BAR, ang pagdaos ng special elections sa labing dalawang barangay ng bayan.
"Generally po, the special election of Tubaran went smoothly starting from 5am hanggang sa closing sa transmission sa gabi. Wala po tayong naitalang any incidents hanggang kaninang umaga. Ito po ay dahil sa cooperation ng lahat parties." ayon kay Caballona.
Mahigit walong daang pulis at limang daang sundalo ang ideneploy kahapon kabilang dito ang Lanao Del Sur Police Provincial Office ang Special Action Force ng PNP, Regional Mobile Force Battalion 14 at Explosive Ordinance Disposal Team ng PNP.
"The special election is complimented by the deployment of our pnp personnel and our counterpart, the AFP, which accounted more to the peacful conduct of the special election. iisa n lang to na bayan kay binugbog na natin ng personnel. umaabot ng 800plus na pnp personnel plus yung 587 na afp personnel kaya hindi po tayo nagkaroon ng kahit na anong problema kahapon." dagdag ni Caballona.
Ala siyete kagabi ng opsiyal na nagtapos ang botohan kung saan ang mga pulis ang nagsilbing Board of Election Inspector.
Ayon kay Caballona, umabot ng 69.13 percent ang voter's turnout mula 6,931 na kabuuang bilang ng botante sa labing dalawang barangay na sumailalim sa special elections.
Sa Barangay Buribid, 643 o 66 percent ang nakapagboto.
2,862 o 55 percent naman mula sa 5176 na mga botatnte ang nakapagboto sa Barangay Tangcal habang 399 o 51.4 percent naman mula 777 na botanate ang nakapagboto sa Barangay Tubaran Proper.