top of page

SPECIAL INVESTIGATION TASK FORCE EGO


Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao- Bumuo din ng Special Investigation Task Force ang PNP BARMM na tututok naman sa mga kaso ng pamamaril kung saan biktima ang mga elected officials sa rehiyon. Tinawag ito ng PNP BARMM na Special Investigation Task force EGO. Simula Enero ngayong taon, umabot na sa labing tatlong elected officials ang biktima ng pamamaril sa BARMM.

Simula Enero ngayong taon, umabot na sa labing tatlo ang naitalang kaso ng pamamaril kung saan biktima ang mga elected officials sa BARMM.


Pito ang naitala sa ilalim ng Maguindanao Provincial Police Office, isa sa Cotabato City, dalawa sa Lanao Del Sur, isa sa Basilan, isa sa Sulu, at isa sa Tawi-Tawi.


Ito ang kumpirmasyon mula sa PNP BARMM. Pinakahuli ang naitalang pamamaril patay sa konsehal ng Datu Salibo, Maguindanao del Sur noong araw ng Lunes.


Base sa rekord ng PNP BARMM, anim sa labing tatlong kaso ang cleared na, isa ang solved case at anim ang under investigation.


Ipinag-utos rin ni PNP BARMM Regional Director, Police Brigadier General Allan Nobleza sa lahat ng unit commanders na paigtingin ang seguridad bilang paghahanda sa paparating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.


Nagbigay din ito ng direktiba sa lahat ng law enforcement units na palakasin ang intelligence gathering, higpitan ang monitoring sa political hotspots at maglagay ng mga checkpoints upang mapigialn ang lahat ng uri ng krimen.

0 views0 comments