SPECIAL INVESTIGATION TASK GROUP SILONGAN BINUO NG PNP BARMM

Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao - Bumuo ng Special Investigation Task Group ang PNP BARMM na tututok sa imbestigasyon sa pagkakabaril-patay kay Datu Salibo Municipal Councilor Demson Daglok Silongan.
Tututukan ng Special Investigation Task Force Silongan ang imbestigasyon kaugnay sa pamamaril patay kay Datu Salibo, Maguindanao del Sur Councilor Demson Daglok Silongan.
Si Silongan ay binaril patay, alas otso bente dos ng umaga, araw ng Lunes sa tapat ng municipal hall sa national highway ng Barangay Pagatin. Sugatan din ang driver nito na si Jam Madzig.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng otoridad upang matukoy ang nasa likod ng krimen. Nauna nang sinabi ni Datu Salibo Municipal Police Chief, Police Major Roldan Kuntong Jr na masusi nilang hinihay ang CCTV footage ang nangyaring krimen.