top of page

SPECIAL VACCINATION DRIVE NG MOH-BARMM, NAGSIMULA NANG UMARANGKADA NGAYONG LINGGO

Kael Palapar

COTABATO CITY - Nagsimula nang umarangkada ngayong linggo ang Special COVID-19 Inoculation Drive ang Ministry of Health ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o MOH-BARMM sa limang probinsya sa rehiyon kabilang ang lungsod ng Lamitan at Basilan


Ngayong linggo unang isinagawa ang nasabing vaccination drive sa probinsya ng Basilan, Sulu at lungsod ng Lamitan.


Simula May 11, mahigit limang libong indibidwal na ang nabakunahan ng kanilang tanggapan sa mga nabanggit na lugar.


Sa probinsya ng Basilan, palalawigin ang vaccination drive hanggang May 18 habang sa susunod naman sisimulan na ang vaccination drive sa mga probinsya ng Lanao del Sur, Maguindanao at Marawi City hanggang May 20.


May 18 hanggang May 20 naman ang nakatakdang schedule ng probinsya ng Tawi-Tawi.


Hinihikayat ngayon ng tanggapan ang mga residente ng rehiyon na magpabakuna na laban sa COVID-19.


Samantala, sa kabila ng mababang bilang ng vaccination coverage at vaccinated individuals sa buong rehiyon, nanatiling low risk ang rehiyon sa banta ng COVID-19.


Target naman mabakunahan ng Ministry of Health ang mahigit dalawang daang libong indibidwal sa pagsasagawa ng vaccination drive.

13 views
bottom of page