top of page

SSS, pinalawig pa ang Condemnation Program para sa mga miyembro na delayed sa pagbabayad ng SSS Loan

Alejandro M. Lasola Jr. | iNEWS Phils | February 23, 2022

Mr. Bong Mabinay, Branch Manager, SSS-Cotabato City


Cotabato City, Phils - Pinalawig pa ang SSS ang kanilang Condemnation Program para sa mga miyembro na delatado sa kanilang pagbabayad ng kanilang SSS LOAN.


Ayon kay SSS Cotabato City Branch Manager Bong Mabinay, ito ay nag-expire na noong Feb 14, ngunit ito ay na-extend hanggang May 14, 2022 sa pamagitan ng SSS Circular No. 2022-06.


Sinabi ni Mabinay, sundin lamang ang Number Coding Scheme upang hindi masyado maabala sa pagpila sa labas ng SSS Office.


Para sa mga bagong SSS member sa wala pang SSS ID, ani Mabinay available na ngayon ang issuance ng SSS ID.


Mangyari lamang na tumungo sa kanilang opisina upang ma- schedule sa pagkuha ng SSS ID.


Nilinaw ni Manager Mabinay na walang katotohanan ang nabalita kamakailan na may dagdag na 1000 php ang pension ng mga SSS PENSIONERS.


End.







24 views
bottom of page