STATE VISIT SA US

Photo Courtesy: Presidential Communications Office
Dumating na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Estados Unidos para sa kaniyang official visit kasama ang delegasyon ng Pilipinas.
Inihayag ng Pangulo na bukod sa pagpapalakas ng alyansa ng dalawang bansa, nakatuon din ang kaniyang pagbisita sa pagsusulong ng socioeconomic at development priorities ng pamahalaan kabilang ang kalakalan at pamumuhunan. Kasama din ang iba pang usapin tulad ng food at energy security, climate change adaptation, at digital transformation.
Plano rin ni PBBM na makipagpulong sa mga pangunahing negosyante sa Washington D.C. at kumustahin ang mga kababayan natin rito.