STRUCTURE NG MAGUINDANAO DEL NORTE

Ipinaliwanag rin ng MILG ang dapat na susunod na hakbang matapos ang pagkakatalaga bilang OIC Governor kay Abdulraof Macacua. Paano nga ba kung hindi manunumpa si Maguindanao elected Governor Bai Ainee Sinuat bilang OIC vice governor? At ano nga ba ang mangyayari sa mga elected board members ng unang distrito?
Maraming hakbang pa ang dapat isagawa bago mabubuo ang structure ng Maguindanao del Norte. Ito ang sinabi ni MILG Minister, Atty. Naguib Sinarimbo
Paano nga ba kung hindi manunumpa bilang OIC Vice Governor ng Maguindanao del Norte si Maguindanao elected Vice Governor Bai Ainee Sinsuat na iginiit na patuloy itong magsiserbisyo bilang Acting Governor ng Maguindanao del Norte
Sa mga inihalal na board members sa unang distrito, ano ang magiging kapalaran ng mga ito?
Naisumite na sa tanggapan ng pangulo ang mga inirekomendang indibidwal na pupuno sa kakulangan ng bilang ng mga board members sa Sangguniang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte.
Pero walang detalye ang MILG sa pangalan at bilang ng mga indibidwal na inirekomenda
Tanging nakuhang impormasyon ng MILG, masuing isinalang ang pangalan ng mga indibidwal at idinaan ito sa konsultasyon.