top of page

SUB-LEADER NG DAULAH ISLAMIYAH – MAUTE GROUP, SUMUKO SA MILITAR SA LANAO DEL SUR

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 17, 2022

Photo courtesy : Haribon Team


Cotabato City, Philippines - Dahil sa patuloy na pagsisikap ng gobyerno na wakasan na ang local terrorist group, boluntaryong sumuko sa 103rd Infantry Brigade ang sub-lider ng Daulah Islamiya – Maute Group na si alyas Liya.


Si alyas Liya ay residente ng Taporog, Piagapo, Lanao del Sur at sumali sa teroristang grupo taong 2017 sa kasagsagan ng Marawi Seige.


Sangkot umano ito sa ilang sagupaan laban sa pwersa ng gobyerno lalo na ang pang-aambush ng mga pwersa ng gobyerno na nakasibilyan at nasa administrative mission noong 2020 sa Poona, Piagapo.


Naging matagumpay ang pagsuko nito sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Piagapo at MILF peace partnerts.


Bitbit nito sa kanyang pagsuko ang isang M16 rifle at isang magazine.


Hinikayat naman ni Brigadier General Jose Maria R Cuerpo II, Commander 103rd Infantry (Haribon) Brigade ang mga nalalabing miyembro ng teroristang grupo na magbalik-loob na rin sa gobyerno at tanggapin ang mga inihandog na programa para sa kanila.


End.

0 views
bottom of page