SUGAR ORDER NO.2 NA PUMAPAYAG SA PAG-ANGKAT NG 150,000 METRIC TONS NG REFINED SUGAR, INILABAS NA
Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Matapos ang unang kautusan ni President Bong Bong Marcos sa bisa ng Sugar Order No. 1 kung saan lahat ng asukal na mapo-produce ng Pilipinas sa loob ng isang taon mula ngayong buwan hanggang agosto 2023 ay bawal i-export sa ibang bansa. . .
Inilabas na rin ng Department of Agriculture ang Sugar Order No. 2 kung saan pinapayagan na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., At bilang chairman din ng Sugar Regulatory Administration, ang pag-angkat ng 150,000 metric tons ng refined sugar ngayong taon.
Ang kalahati nito ay ilalaan sa Industrial users tulad mga manufacturer ng inumin at pagkain na gumagamit ng asukal.
Habang ang natitirang kalahati naman ay ibebenta sa merkado para mabili ng mga consumer.
Nakasaad din sa nasabing kautusan na dapat ay makarating na sa bansa ang mga suplay ng asukal hanggang sa akinse ng Nobyembre ng taong ito.
Inihayag naman ng United Sugar Producers Federation na tinitiyak nang nasabing kautusan ang pagtangkilik sa lokal na produksyon ng asukal, sapat na suplay at maging ang abot kayang produksyon nito.