Lerio Bompat | iNEWS | February 1, 2022

Courtesy: 6th Infantry Division
COTABATO CITY, Philippines- Kinilala ng 6th Infantry Division ng Philippine Army ang sugatang miyembro ng CTG na sumuko na si Ricky Lumbay alias Jeric. Sumuko ito sa 11th Special Forces Company, 5th Special Forces Battalion (5SFBn) at sa Local Government Unit ng T’Boli, South Cotabato ngayong araw, January 31, 2022 sa Barangay Edwards. Isinuko rin nito ang ang kanyang caliber 5.56 M16A1 Carbine Rifle. Sinabi ni Brigadier General Pedro Balisi Jr. ng 1st Mechanized Brigade, na kasama si alias Jeric sa mga CTG members na nakaengkwentro noon ng pwersa ng gobyerno sa Barangay Tudok, T’boli, South Cotabato nang magsagawa ng combat operations ang militar noong Enero a singko, 2022 kung saan anim na miyembro ng NPA ang pinaniniwalaang sugatan. Agad na pinagkalooban ng T’Boli LGU ang sumukong CTG ng agarang medical at financial support. Magiging kabilang din ito sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP)