top of page

SULTAN MASTURA MAYORALTY-ELECT DOC BONG PANDA, NANALO SA LAMANG NA 22 VOTES

Kael Palapar

(Photo courtesy: Phoy Samal)

SULTAN MASTURA, MAGUINDANAO — Sa lamang na 22 votes, nanalo bilang bagong alkalde ng bayan ng Sultan Mastura sa Maguindanao si Dr. Zulficar “Doc Bong” Panda ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP laban sa katunggali nitong si mayoral candidate Armando Talib Mastura Jr ng Partido Demokratiko Pilipino o PDP-Laban.


Si Panda ay nakakuha ng 5,817 votes habang 5,795 votes ang nakuha ng nakatunggali nitong si Mastura.


Magiging bise alkalde ni Panda ang tumatakbo sa opisisyon na si vice mayoralty-elect Andy Amir na nakakuha ng 5,104 votes habang 4,808 votes naman ang nakuha ng kanyang runningmate na si Swery Darping.


Apat naman mula sa kanilang partidong UBJP ang prinoklama bilang konsehal ng bayan.


Pumapangalawang pwesto sa pagkakonsehal si Datu Khai Candao na may 5,037 votes, nasa pangatlong pwesto si Abo Macaundar na may 4,901 votes, habang nasa pang apat na pwesto si Madam Tita Amil na nakakuha ng 4,816 na boto.



Pumasok rin sa pang walong pwesto si Suharto Labungan na may 4,664 na boto.


Ayon kay Doc. Panda, malaki umano ang tulong ng kaniyang partido sa pagkakapanalo nito bilang alkalde ng bayan.


Ang United Bangsamoro Justice Party ay ang opisyal na political party ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.

43 views
bottom of page