SUMUKO KAY GOVERNOR TAMAYO

DATING MIYEMBRO NG CTG, SUMUKO KAY SOUTH COTABATO REYNALDO TAMAYO JR
South Cotabato - Sumuko kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group.
Patuloy ang pagiging bukas ng tanggapan ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr para sa mga gustong magbalik loob sa gobyerno.
Ngayong linggo isa na namang miyembro ng Communist Terrorist Group ang sumuko sa gobernador. Tiniyak naman ng provincial government ang pagpapaabot ng tulong kasama ang iba pang ahensiya ng gobyerno.
Simula nang maupo sa pwesto bilang gobernador, mahigit apatnaraan ng CTG members ang sumuko sa kanyang liderato.
Ayon sa gobernador, hangad niya tulad ng militar at pnp ang kaayusan at mapayapang pamumuhay ng bawat mamamayan sa lalawigan.