SUMUKO SA MILITAR

Nagbalik loob din sa gobyerno ang tatlong matataas na lider ng komunistang terorista sa Sultan Kudarat Province.
Sumuko sa militar sa Sultan Kudarat Province sina alias Abel, alias Jumper at alias Teks.
Si Alias Abel ay isang Political Instructor, habang ang dalawa ay parehong vice commanding officer ng platoon Timlas at Beijing ng Far South Mindanao Region.
Iniharap ang mga ito kay Lt. Col. John Paul Baldomar, ang pinuno ng 37th Infantry Conqueror Battalion sa Brgy Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat, nitong Biyernes April 28, 2023.
Bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko ang mga gamit sa pakikipagdigma na kinabibilangan ng 7.62mm M14 Rifle; isang 5.56mm M4 Carbine at isang Cal .45 Pistol.
Binigyan diin ni 6th ID at Joint Task Force Central Commander, Maj. Gen. Rillera ang pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan dahil kaakibat nito ang kaunlaran.
Sa pamamagitan ng LGU Kalamansig at DSWD ay nabigyan ng food package at financial assistance ang tatlong mga nagbalik-loob.