SUMUKO SA MILITAR

Sumuko sa militar sa Maguindanao del Norte, ang anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa ilalim ng Karialan Faction at Turaife Group.
Nagbalik loob sa militar ang anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa ilalim ng Karialan Faction at Turaife Group sa Maguindanao del Norte.
Kinumpirma ni Lieutenant Colonel Rommel Agpaoa, Commanding Officer ng 92nd Infantry Tanglaw Diwa Battalion, na lima sa mga ito ay myembro ng BIFF-Karialan Faction at isa ay myembro ng DI-Turaife Group.
I-prinesinta ang mga dating ekstremistang grupo kay Brigadier General Leodivic Guinid, Commander ng 1st Brigade Combat Team na kasamang sinaksihan ng ng mgakinatawan mula sa Maguindanao del Norte Police Provincial Office, Ministry of Public Order and Safety, BARMM, lokal na pamahalaan ng Midsayap at Pigcawayan, Cotabato Province, at pamahalaan panlalawigan ng Maguindanao del Sur.
Bitbit ng mga ito sa pagsuko tatlong 7.62mm Sniper Rifles, isang Garand Rifle, isang Grenade Launcher at isang Rocket Propelled Grenade.
Tumanggap din umano ang mga ito ng inisyal na tulong mula sa BARMM Government.
Iniuugnay naman ni Maj. Gen. Alex Rillera, Commander ng 6ID at Joint Task Force Central ang tagumpay na ito sa whole-of-nation approach na magkasamang ipinatutupad ng militar, local government units, iba pang ahensyang panseguridad, at mga stakeholder.