SUMUKO SA MILITAR

23-ANYOS NA MEDIC NG TERORISTANG KOMUNISTA SA SOUTH COTABATO,SUMUKO SA MILITAR
South Cotabato - Nagbalik loob sa gobyerno ang isang bente tres anyos na Medic ng teroristang komunista sa South Cotabato.
Sumuko sa militar sa Sitio Datal Kadi, Tasiman, Lake Sebu, South Cotabato, a bente uno ng Mayo ang isang alyas Jean.
Isang Medic ng teroristang komunista na ayon sa militar ay anim na taon nang nagsisilbi sa kilusan.
Bitbit nito sa pagsuko ang isang M16A1 rifle.
Mula Enero ngayong taon hanggang kasalukuyan, dalawampung miyembro na ng teroristang komunista ang sumuko sa gobyerno..