Amor Sending | iNEWS | November 15, 2021



Photo courtesy: City Government of Zamboanga
Cotabato City, Philippines - Base sa resolusyon na inaprubahan ng Local IATF noong November 10, 2021-
Kabilang ang pagtanggal ng Sunday lockdown para sa mga fully vaccinated individuals KASUNOD NG pagluwag na ipinatupad SA COVID-19 RESTRICTIONS SA ZAMBOANGA CITY-
Kung saan magiging requirement ang vaccination card, QR Code mula sa vaccination center at VaxCertPH na makukuha online.
Sa darating naman na November 16, tatanggalin na rin ang Quarantine Pass requirement para sa mga fully vaccin
ated na indibidwal at vaccination card na ANG IPAPAKITA.
Ipapatupad din ang tinaguriang Bakuna Bubble sa sektor ng turismo kung saan pinapayagan lamang ito para sa mga PILING ESTABLISHIMENTO sa lungsod -
Gagawin ding non-mandatory ang paggamit ng face shield sa mga open spaces sa pagkakataong aaprubahan ito ng NIATF.
Matapos ang isinagawang EVALUATION ng sektor ng seguridad, ipapatupad naman ang 11pm hanggang 4am na curfew hours sa lungsod sa pagkakataong isasailalim ang Zamboanga City sa GCQ sa darating na November 16.
Matatandaan, matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapairal ng Alert Level System sa buong bansa, kabilang ang rehiyon ng Zamboanga Peninsula sa Phase 3 kung kailan ipapatupad ang ALS sa nasabing rehiyon sa darating na November 17 sa taong kasalukuyan.
Kasabay ng pagLUWAG sa iilang COVID-19 restrictions na ito, hinihimok naman ng Pamahalaang Lungsod ng Zamboanga ang publiko na maging maingat at matatag sa paglaban sa COVID-19, sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa mga safety and health protocols upang makaiwas sa panganib na dulot ng COVID-19 VIRUS.