top of page

SUPLAY NG BIGAS SA BANSA, NANANATILING SAPAT SA KABILA NG PANANALASA NI BAGYONG PAENG

FIONA FERNANDEZ I iMINDSPHILIPPINES


Sapat ang bigas sa bansa sa kabila ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Paeng.


Ito ay ayon sa Department of Agriculture.


Sa report mula sa ABSCBN, Para sa ikaapat na quarter, ang antas ng imbentaryo ng bigas ay inaasahang nasa 2.59 milyong metriko tonelada, na katumbas ng 70 araw.


Hindi rin isinasaalang-alang ng ahensya ang pag-angkat ng bigas sa kabila ng pinsalang dulot ni Paeng.


Ang lokal na produksyon ng palay ay tumaas ngayong taon sa 12.67 milyong metriko tonelada.


Mamimigay din ang ahensya ng mga gamot at biologics para sa mga livestock at poultry program at fingerling nito mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.


Ang mga magsasaka at mangingisda ay maaari ding mag-avail ng mga pautang ng hanggang P25,000 nang walang interes at babayaran sa loob ng 3 taon sa pamamagitan ng Survival and Recovery o SURE loan program ng Agricultural Credit Policy Council, ani Evangelista.



END



1 view
bottom of page