top of page

SUPORTA NG BARMM GOVERNMENT


Ipinaabot naman ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim ang kanyang pagbati sa panunumpa ng mga opisyal ng Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte. Siniguro ng opisyal ang suporta ng BARMM Government sa bagong tatag na probinsya.



Sa panunumpa ng mga opisyal ng Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte, natitiyak na ang pag-angat pa sa mas mataas na antas ng dalawang probinsya ayon kay Chief Minister Ahod Ebrahim.



Sa mensahe na ipinaabot ng opisyal, bukod sa pagbati, nagpapasalamat ang opisyal sa agarang pagtugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa isyu sa liderato ng norte.


Tiniyak din ni Ebrahim ang buong suporta ng BARMM Government sa dalawang lalawigan para sa isang united, self-governing, and progressive Bangsamoro.


Ayon kay ebrahim dapat aniyang tumugon ang lahat sa panawagan ng pangulo para sa pagkakaisa, kooperasyon at itaguyod ang kultura ng ultimate peace and sustainable economic development sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.



1 view0 comments