top of page

SUPPLY NG ITLOG, POSIBLENG MAGKULANG SA DISYEMBRE O ENERO.

Joy Fernandez | iNEWS | November 25, 2021


Cotabato City, Philippines - Inihayag ng Philippine Egg Board Association na posibleng magkulang ang supply ng itlog habang papalapit ang kapaskuhan ngayong Disyembre o sa buwan ng Enero dahil sa dami ng nagbabawas ng paiitluging manok.


Bagama't sobra pa naman ngayon ang supply ng itlog sa bansa ayon sa Egg Council of the Philippines, pero nararamdaman na nila ang pagkalugi bunsod ng tumataas na presyo ng mga feed inputs tulad ng mais, soya at iba pa---


Kaya may mga layering far na piniling magbawas na lamang ng kanilang alagang manok kaysa patuloy ring tumaas ang pagkalugi.


Ngayon ay may pagtaas na sa presyo na abot sa P0.50 kada piraso ng itlog, depende sa sukat kahit wala pang shortage na nangyayari sa bansa.

4 views
bottom of page