top of page

SUPREME COURT, NAGPASYANG GAWING 2 IMBES NA 4 ARAW ANG BAR EXAM

Amor Sending| iNews | January 5, 2022

Courtesy: PHILIPPINE SUPREME COURT PUBLIC INFORMATION OFFICE



Cotabato City, Philippines - Sa inilabas na Bulletin Number 31 Series Of 2022 Ng Supreme Court, a- kwatro ng Enero o ang Reduction Of Bar Coverage And Shortening Of The 2020-2021 Bar Examinations


Itinakda na sa January 23 At January 25 ang Bar Examinations mula sa dating schedule na January 16, 23, 30 at February 6 ngayong taon.


Ito ay dahil sa epektong dulotng omicron variant ng covid-19 at epekto ng bagyong odette

Mula sa dating walong subjects, pinagsama na ito sa apat-


Sa umaga ng January 23, 2022 -

Kukuha ang mga examinees ng dalawang set ng pagsusulit, una na rito ang "The Law Pertaining To The State And Its Relationship With Its Citizens"-

O ang dating Political Law, Labor Law, At Taxation Law

At Criminal law naman sa hapon.

Umaga naman ng January 25, kukuha muli ng dalawang set ng pagsusulit ang mga examinees - "The Law Pertaining to Private Personal and Commercial Relations (dating Civil Law at Commercial Law)"-

at "Procedure and Professional Ethics SA HAPON O ANG dating Remedial Law, Legal Ethics and Practical Exercises”.


Ayon sa Korte Suprema, lahat ng examinees ay pinapayuhan na sumailalim sa self-quarantine simula January 9 o hindi bababa sa dalawang linggo bago ang pagsusulit.

Inanunsyo rin na ang mga Bar examinees ay kukuha ng mga pagsusulit gamit ang kanilang sariling mga Wi-Fi-enabled na laptop sa halip na tradisyonal na pagsusulit, kung saan kinakailangang sulat kamay ang lahat ng mga sagot.

Sinabi ng Supreme Court na ang Pilipinas ay hindi pa nakakapag-produce ng mga bagong abogado mula nang magsimula ang pandemya noong March 2020.

9 views
bottom of page