SUSPEK SA AMBUSH

ISA SA MGA SUSPEK SA PANANAMBANG KAY GOVERNOR MAMINTAL ADIONG JR, ARESTADO SA SURALLAH, SOUTH COTABATO
Surallah, South Cotabato - Arestado sa Surallah, South Cotabato sa ang isa sa mga suspek sa pananambang kay Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr.
Napasakamay ng otoridad ang isa sa mga suspek sa pag-ambush sa convoy ni Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr.
Kinilala ito na si Lomala Baratomo na kilala rin sa tawag na Commander Lomala, 42-anyos at residente ng Bato-bato, Maguing, Lanao Del Sur.
Naaresto ito kahapon sa isang checkpoint sa Sitio Morales, Barangay Centrala, Surallah, South Cotabato.
Si Lomala ay mayroong standing warrant of arrest for murder sa ilalim ng criminal case no. 9203-2023 na inisyu ng Regional Trial Court Branch 18, Marawi City. Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Ayon sa otoridad, ang naaresto ay pinaniniwalaang isa sa mga kasaman ng napaslang na si kumander “Otin”.
Nasa kustodiya ngayon ng South Cotabato Provincial Police Office ang naarestong suspek at nakatakdang iturn-over sa Lanao del Sur Provincial Police Office for proper disposition.