SWISS TENNIS PLAYER AT 20-TIME GRAND SLAM CHAMPION ROGER FEDERER, MAGRERETIRO NA.

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Nagpasya ang 41 anyos na Swiss Tennis Player at 20-time grand slam champion na si Roger Federer na magreretiro na ito sa paglalaro.


Ito ay dahil sa hindi na kaya ng kaniyang katawan matapos na sumailalim sa operasyon sa tuhod ng dalawang beses.


Mababatid na si Federer ay nagwagi ng 1,251 single matches, naging world number 1 sa loob ng 237 na linggo, may walong Wimbledon title, Siya rin ang tanging manlalaro na umabot ng 10 straight men’s Grand Slam finals mula taong 2005 hanggang 2006 at naglaro ng 31 finals sa kabuuan.


Nagpahayag naman ng kanyang suporta at pasasalamat si Spanish tennis star Rafael Nadal kay Federer, kung saan tinawag niya itong matinding karibal sa tennis ngunit isang mabuting kaibigan.


Magiging huling laro na lamang ni Federer ang Laver Cup Tournament na gaganapin sa O2 Arena, London ngayong darating na September 23 hanggang 25.

1 view