top of page

TAGUMPAY ANG CEREMONIAL SWITCHING AT INAGURASYON NG IKA-APAT NA SEGMENT NG POWER SUPER HIGHWAY.

Joy Fernandez | iNEWS | November 24, 2021

Photo courtesy : PRO - BAR


Cotabato City, Philippines - Pinangunahan ni Minister Masahiro Nakata ng Japanese Embassy to the Philippines ang isinagawang ceremonial switching at inagurasyon ng ika-apat na segment ng Power Super Highway o ang bagong 45-footer concrete pole, 4/0 bare and insulated wires at 13.2 Kilovolt distribution lines mula Barangay Sarmiento patungong Police Regional Office - BAR.



Ito ay proyekto ng Maguindanao Electric Cooperative na pinondohan ng Japan International Cooperative Agency.


Layon ng proyektong ito na magkaroon ng sapat na kuryente at liliwanag pa ng husto ang mga daan sa Mindanao sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga bagong poles at transmission lines.


Ayon naman kay Minister Nakata, patuloy na magbibigay ng tulong at suporta ang Japan International Cooperation Agency upang mapaangat ang buhay ng mga mamamayan di lamang sa Mindanao kundi maging sa buong Pilipinas]


Kasabay nito ay iprinisenta din sa naturang seremonya ang 2 bucket trucks at 2 ring boom trucks na donasyon ng JICA sa MAGELCO.


Ang seremonyang ito ay isinagawa kahapon sa PNP PROBAR Head Quarter na dinaluhan nina Governor Datu Pax Mangudadatu, Parang Mayor Cahar P. Ibay, PBGEN Eden T. Ugale, Hon. Emmanuel P. Juaneza, administrator ng National Electrification Administration o Nea at iba't iba pang opisyal mula sa Lokal na Pamahalaan ng Maguindanao, mga kawani mula sa JICA at mga empleyado ng MAGELCO.

8 views
bottom of page