Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Ilalapit ang serbisyo, bibigyan ng espasyo ang bawat mamamayan na idulog ang kanilang hinaing, at ibigay ang tulong sa masa.
Ito ang hangad ni Congresswoman with Cotabato City representative Sittie Shahara “Dimple” Mastura.
Araw ng sabado, October 8, 2022 ng pasinayaan ang Congressional District Office nito sa lungsod ng Cotabato.
Ayon sa kongresista, inclusive office kung maituturing ang kaniyang opisina dahil bukas ito sa lahat—ano man ang iyong estado sa buhay, relihiyon at paniniwala.
Sa kaniyang opisina, pangunahing serbisyo ang Educational Assistance, Medical at Burial Assistance, at iba pang alalahanin o kailangan ng mga mamamayan.
Dumalo sa nasabing inagurasyon sina Sultan Kudatat Mayor Datu Tocao Mastura, VMLP Maguindanao President Datu Shameem Biruar Mastura; Deputy City Director PCol Edwin Placio, Cotabato Sanitarium Hospital Chief Dr. Ibrahim Pangato Jr at mga kinatawan ng TINGOG party list, at DSWD 12.
End