top of page

TANGKANG PAGNANAKAW NG ISANG LALAKI SA ISANG PIZZA HOUSE SA COTABATO CITY, SAPUL SA CCTV

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 14, 2022

Photo courtesy : Dexter's Pizza Cotabato


Cotabato City, Philippines - Kuha ang videong ito mula sa CCTV camera ng Dexter’s Pizza Cotabato sa Gov. Guttierez Sr street, Rosary Heights 9, Cotabato City kung saan nakuhanan ang pagpasok ng isang lalaki sa tindahan nito bandang alas dos y media ng madaling araw kahapon, March 13.


Makikita ang dahan-dahan nitong pagbaba mula sa isang bintana bitbit ang isang maliit na flashlight.


Sa Facebook post ng Dexter’s Pizza Cotabato, sinabi nito na wala naman umanong nakuhang pera o gamit ang suspek.


Sinira lang umano ng kawatan ang pinto at ang sliding window ng tindahan.


Ayon sa may-ari, agad na umanong naireport sa barangay at police station ang insidente at nakunan na rin ng litrato ang pagmumuka ng suspek.



End.




0 views
bottom of page