top of page

TARGET NA MABAKUNAHAN SA NATIONAL COVID-19 VACCINATION DAY, SIYAM NA MILYON NA LAMANG

Joy Fernandez | iNEWS | November 29, 2021

Photo courtesy : Cotabato City Health Office


Cotabato City, Philippines - Mula sa naunang plano na 15 milyon---


Binawasan at siyam na milyon na lamang ang target ng Pamahalaan na mabakunahan sa National Covid-19 Vaccination Day na nagsimula rin ngayon araw at magtatapos naman sa miyerkules, ika-isa sa buwan ng Disyembre.


Ang pagbabawas na ito ay dahil sa kakulangan ng mga pangunahing suplay partikular na ang syringe para sa Pfizer BioNTech vaccines at iba pang mga problema sa logistics.


Ngunit, upang makamit pa rin ang 54 Milyon na target bago magtapos ang taong 2021… magkakaroon ng ikalawang round ng National Covid-19 Vaccination Day na gaganapin naman sa ika-labinlima hanggang ika-labingpito sa buwan ng Disyembre.


8 views
bottom of page