top of page

Tatlong weather system, nakakaapekto sa iba't ibang bahagi ng bansa

Weather Update | iNEWS | December 28, 2021




Sa datos mula sa PAGASA as of 4 o'clock in the morning, makikita sa ating i weather center na itong mga makakapal na kaulapan na sumasakop sa palawan at sa Mindanao ay mga Thunderstorms na epekto ng Intertropical Convergence Zone O ITCZ.


Habang Itong Shearline O Ang Linya Kung Saan Nagtatagpo Ang Amihan At Ang Hangin mula sa Pacific ocean ay nagdadala ng mga pag-ulan dito sa Bicol Region, Visayas at North Eastern Mindanao.


Para naman sa nalalabing bahagi ng Luzon, ay makakaranas ng makulimlim na panahon at manaka nakang pag-ulan dulot ng

North East Monsoon o Amihan


Bukas,


Papalo ang agwat ng temperatura sa Cotabato City mula 24 hanggang 31 degree Celsius at 60% ang tsansa na uulan.


Habang 23-31 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura sa Maguindanao at may 50% na tsansa ng pag-ulan.


Sa south cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-29 degrees celsius at 60 percent ang chance of rain.


Sa north cotabato pumalo ang temperatura mula 22-29 degrees celsius at 70 percent ang chance of rain.


Habang sa lanao Del Sur naman ay papalo ang temperatura mula 17 to 23 at 70% ang tsansa na uulan


Ang araw ay sumikat 5:54 ng umaga at lulubog 5:36 ng hapon.

13 views
bottom of page