Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 22, 2022

Photo courtesy : Tawi-Tawi One Party, TOP
Cotabato City, Philippines - Suportado ng Tawi-Tawi One Party ang kandidatura nina presidential candidate Ferdinand “ Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ito ang idineklara ni Tawi-Tawi Governor Yshmael “Mang” Sali sa kanilang pagpupulong na ginanap sa BBM National Headquarters sa Mandaluyong City.
Iprinisenta ni Governor Sali kay BBM ang resolusyon na nagsasaad ng pagsuporta ng Tawi-Tawi One Party sa kanya bilang kanilang opisyal na kandidato sa pagka presidente sa May 9, 2022 National Elections.
Ang nasabing resolusyon ay nilagdaan ni Governor Sali at ang ilang incumbent party-member Mayors ng probinsya.
Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si Senator Bongbong sa suporta ibinigay sa kanya at kay vice presidential bet Sara Duterte-Carpio.
Nagpasalamat din ito sa TOP sa preparasyon na kanilang ginagawa para sa pagbisita at pangangampanya nito sa Tawi-Tawi.
End.