Mr. Jay M. Lasola Jr. | iNEWS Phils | March 22, 2022

Photo courtesy : John Mabanglo, EPA, EFE
Cotabato City, Philippines - PINADAPA ni Taylor Fritz si Rafael Nadal noong Linggo sa score na 5-3, 7-6, 7-6 sa Finals ng ATP Indian Wells Master at binasag ang record 20-0 ni Nadal at naging kampeon sa Indian Wells Masters Cup.
Si Fritz ay ranked 20th in the world at nasungkit ang kanyang pangalawang career title at unang Elite Masters 1000 na bumigo sa record ni Nadal sa ika-37 Masters crown.
Nakakuha ng 24 years old na Americano ang pinakamalaking tagumpay kahit na nagkaroon ito ng injuries sa kanyang right ankle at inakalang hindi ito makalaro dahil sa sakit.
Samantala ang 35 years old na si Nadal ay nakaramdam din ng sakit sa kanyang katawan at makalawang beses tumanggap ng treatment sa kanilang laro ni Fritz.
Si Taylor Fritz ay unang American men na naging champion sa Indian Wells simula kay Andrei Agassi 2001, at ang pinakabatang Indian Wells mens player mula kay Novak Djokovic noong 2011.
Nagpahiwatig si Nadal na malamang na hindi na sasali sa Miami Masters para pahingahin ang kanyang katawan at paghadaan ang Claycourt Season.
End.