TIKLO SA BUY-BUST

LALAKI, ARESTADO SA KABACAN, COTABATO PROVINCE MATAPOS ANG IKINASANG BUY-BUST OPERATION
Kabacan, Cotabato Province - Sa Kabacan, Cotabato Province, arestado rin ang isang lalaki sa buy-bust operation
Kulungan ang bagsak ng isang alyas Dats Tunggol matapos maaresto sa buy-bust operation sa Barangay Poblacion, Kabacan, Cotabato, a siete ng Mayo.
Inaresto si alyas Dats Tunggol naang maaktuhang nakikipag transaksyon ng 1.5 gramo ng hinihinalang shabu sa isang police na nagpanggap na poseur buyer.
Ang nakuhang iligal na droga ay may estimated street value na 10,200 pesos.
Nakuha din sa posesyon nito ang boodle money.
Ang mga nakuhang ebidensiya ay isinumite sa North Cotabato Provincial Forensic Unit habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5 Article II ng Republic Act 9165.