top of page

TNT TROPANG GIGA, WAGI KONTRA MERALCO BOLTS SA PBA 3 BY 3 SEASON 2 FIRST CONFERENCE

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Wagi ang TNT Tropang Giga matapos nilang pataubin ang Meralco Bolts sa score na 21-19 para sa first leg ng PBA 3 by 3 Season 2 First Conference na ginanap sa Robinsons Place, Antipolo.


Sinikap man ng Bolts na masungkit ang panalo matapos tumipa ng tig-aanim na puntos sina Tonino Gonzaga at Alfred Batino...


Hindi pa rin ito naging sapat upang ungusan ang kalaban.


Nanguna naman sa pagkapanalo ng TNT Tropang Giga sina Almond Vo­sotros na mayroong 9 na puntos, ha­bang may walo at tig-2 mar­kers sina Ping Exciminiano, Lervin Flores at Samboy de Leon.


Dahil dito, naiuwi ng TNT ang tumataginting na isandaang libong piso, samantalang limampung libong piso naman para Meralco Bolts.


Ito ang pang-anim na leg title ng TNT simula noong Season 1.

3 views
bottom of page