Kate Dayawan | iNEWS Phils | February 28, 2022

Photo courtesy : PNP PRO-BAR
Cotabato City, Philippines - Napasakamay ang Top 1 Most Wanted Person sa lalawigan ng Lanao del Sur matapos ang isinagawang operasyon sa Barangay Mantapoli, Marantao noong February 21.
Sa tulong ng pinagsanib na pwersa Marantao MPS, Provincial Drug Enforcement Unit, Lanao del Sur Police Provincial Office, Regional Mobile Force Battalion 14, Regional Intelligence Unit 15, at National Bureau of Investigation.
Sa report mula sa Lanao del Sur PPO, kinilala ang naarestong indibidwal na si Lala Pangonotan na may kinakaharap na kasong Murder at Kidnapping, base na rin sa magkahiwalay na warrant nito na inisyu ng Presiding Judge ng 12th Judicial Region, Branch 12, Malabang, Lanao del Sur.
Sa bisa ng warrant of arrest ay hindi na nakapalag pa ang suspek at dinala sa Marantao Municipal Police Station para sa dokumentasyon bago ito iturn-over sa korte para sa wastong pagpataw ng mga kaukulang kaso.
Sinabi naman ni PBGen. Arthur Cabalona, Regional Director ng Police Regional Office BAR, ang matagumpay na pagkakaaretso ng wanted person sa Lanao del Sur ay resulta ng pinaigting na kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad at ang matibay na partisipasyon ng publiko at iba pang stakeholders sa komunidad.
End.