Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Napasakamay ng otoridad si Omad Amil, ang top 10 most wanted ng Tawi-Tawi na may kasong murder at double frustrated murder na kinakaharap sa Regional Trial Court 9, Branch 5 sa Bongao na may petsang October 16, 2021.
Pinangunahan ng mga elemento ng 51st Special Action Company ang operasyon katuwang ang iba pang unit ng PNP araw ng Biyernes.
Nakumpiska rin sa operasyon ang dalawang M14 rifles, labing isang M14 magazines, tatlong clips ng Cal. 30, 195 piraso ng 7.62 na mga bala, 25 piraso na mga bala ng cal. 30, at dalawang piraso ng bandolier.
Nasa kustodiya na ng PNP ang mga ito.