top of page

TOP 15 MOST WANTED PERSON, BOLUNTARYONG SUMUKO SA PRESIDENT QUIRINO MPS, SULTAN KUDARAT

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 18, 2022

Photo courtesy : SULTAN KUDARAT PRO 12


Cotabato City, Philippines - Boluntaryong isinuko ni Carl Marvin ang sarili sa President Quirino Municipal Police Station matapos na makumbinsi ng kanyang sariling pamilya.


Si Carl Marvin ay Top 15 Most Wanted Person sa nasabing bayan dahil sa kasong Qualified Rape.


Sa report mula sa Sultan Kudarat Police Provincial Office, sa Davao City umano nagtatago ang suspek ngunit dahil sa patuloy na pangungumbinsi sa kanya ng pamilya ay nagkaroon na rin ito ang lakas ng loob na harapin ang kasong ipinataw laban sa kanya.


Sa ngayon ay nakapiit na sa President Quirino MPS ang suspek at nabasahan na rin ng kanyang Constitutional rights at Anti-Torture Act.


End.


4 views
bottom of page