TOP 3 MOST WANTED PERSON SA SHARIFF AGUAK, MAGUINDANAO, NAPASAKAMAY NG PNP

Kate Dayawan | March 2, 2022

Photo courtesy: PNP PRO BAR


Cotabato City, Phils - Himas-rehas na ngayon ang suspek si Jefrey na isang Top 3 Most Wanted Person sa Shariff Aguak, Maguindanao matapos na masakote sa inilunsad na Intel Driven Operation ng pinagsanib na pwersa ng Shariff Aguak Municipal Police Station, Datu Hoffer MPS, 41st SAC at 40th Infantry Battalion sa National Highway, Barangay Poblacion II, Shariff Aguak noong Lunes, February 28.


Ang nasabing suspek ay residente ng Barangay Limpono, Datu Hoffer, Maguindanao.


Sa report mula sa Maguindanao Police Provincial Office, isang impormasyon umano ang natanggap ng tanggapan na patungo sa bayan ng Shariff Aguak ang suspek dahilan upang agad na maglunsad ng checkpoint ang mga operatiba upang arestuhin ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Annabelle D.P. Piang ng Branch 15 noong November 22, 2021 dahil sa kasong Murder with multiple frustrated murder.


Nakapiit na ngayon sa Shariff Aguak MPS para sa dokumentasyon at disposisyon.


End.


36 views