top of page

Top 5 Most Wanted person ng Cotabato City, Arestado ng PNP!

Updated: Sep 16, 2021

Kristine Carzo | iNEWS | September 15, 2021



Cotabato City, Philippines - Wala ng kawala sa kamay ng mga otoridad ang Top 5 most wanted person ng Cotabato City Police.


Kamakalawa araw ng lunes, ikinasa ng mga elemento ng CCPO Police Station 3 ang manhunt operation laban kay Phods Mamobpon Tilar, a.k.a. Butch Tilar sa Barangay Badak, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao


Sa report mula sa PNP si Tilar ay may standing warrant of arrest sa kasong paglabag sa Section 11 ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 na inisyu ng Acting Presiding Judge, Regional Trial Court in Cities 12th Judicial Region, Branch 14 Cotabato City nng January 28, 2016.


Nasa kustodiya na ngayon ng PNP station 3 si Tilar at nakatakdang iharap sa korte na nag-isyu sakanya ng warrant of arrest.


Patuloy ang kampanya ng PNP laban sa krimen at pag-tutugis sa mga wanted persons sa rehiyon ng Bangsamoro.



Photo by: PROBAR

38 views
bottom of page