Top 6 most wanted person ng Tawi-Tawi, arestado!

Kristine Carzo | iNEWS | September 23, 2021


Cotabato City, Philippines - Cotabato City, Philippines - Resulta ng Intelligence Driven Operation ang pagkaka-aresto kay Mandulan, Bongao, Tawi-Tawi, Barangay Chairman Dalhadi Ujan Mukahil, araw ng Martes, September 21, 2021 sa Barangay Pag-asa, Bongao, Tawi-Tawi.


Sa report ng PNP PRO-BARMM, Si Barangay Captain Mukahil ang top 6 most wanted ng South Ubian, Tawi-Tawi.


Ang barangay kapitan ay may standing warrant of arrest for the Offense of ARSON na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 5 ng Tawi-Tawi noong July 23, 2007.


Ang pagkaka-aresto kay Barangay Captain Mukahil ay resulta ng pagtutulungan ng mga elemento ng Regional Intelligence Unit 9, IU9, PNP-IG, PIU-Tawi-tawi Provincial Police at Bongao Municipal Police sa pangunguna ni Police Major ANNIDUL M SALI.


Agad dinala sa Bongao Municipal Police Station ang kapitan for temporary custody, documentation, at proper disposition.


Pinuri naman ni PBGen Eden T Ugale, Regional Director, PRO BAR ang matagumpay na operasyon.




111 views