Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Kulungan ang bagsak ng mag-asawang Hyo Sung Lee, 44-years old, isang Korean National, at asawa nito na si Maribel Geconcillo Lee, 32 years old sa pinaigting na kampya ng otoridad kontra krimen.
Naaresto ang mag-asawa araw ng Hwebes sa Dacera Avenue, Brgy. City heights, General Santos City. Ang mga ito ay residente ng Windsor Heights, Barangay Mabuhay.
Wanted sa kasong 4-counts of Rape ang mag-asawa at Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5B ng Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Ang matagumpay na operasyon ay pinangunahan ng General Santos City Highway Patrol Team; City intelligence Team ng Regional Intelligen Unit 12; 1201st Regional Mobile Force Battalion 12 at General Santos City PNP.