top of page

TOP NUCLEAR ENERGY FIRM


Photo Courtesy: Presidential Communications Office


Nagpayahag ng interest na mamumuhunan sa bansa ang top nuclear energy firm na nakabase sa US matapos ang pulong nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Washington D.C.


Sa pulong na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, sinabi ng Oregon-based NuScale Power Corporation na planong nitong magsagawa ng pag-aaral at maghanap ng lugar sa bansa.


Ang top nuclear enery firm na NuScale ay kilala sa pagdevelop ng small nuclear power system, na safe, modular, at scalable.


Sinabi ni Pangulong Marcos na ang bansa ay mayroo “shortfall sa power supply” kaya ang suporta umano ng NuScale ay makakatulong para matugunan ang isyu.


Mayroon nang proyekto ang NuScale sa Utah, Romania, Indonesia, at Poland na nagbibigay ng safe, reliable at cost competitive clean energy sa mga consumers.


Inaasahang, maglalagak ng 6.5 hanggang 7.5 billion dollars ang NuScale sa bansa na magbibigay ng 430MW sa bansa sa taong 2031.


Ilan sa mga dumalo sa pulong ay si Clayton Scott ang executive vice president for business ng kompanya at Cheryl Collins, ang director for sales.


Sinamahan ang mga opisyal sa pulong ng kanilang local partner na si Enrique Razon, Prime Infrastructure Capital, Inc.


Si Razon na chairman at CEO ng Manila-listed company International Container Terminal Services, Inc. ay puspusan na namumuhunan sa pamamgitan ng pagsuporta ng Prime Infra sa infrastructures on energy, access to clean water, at waste management.



3 views0 comments

Recent Posts

See All