
Naglabas na si Vice President Inday Sara Duterte ng kaniyang official statement kaugnay sa isinuot nitong traditional Tribal dress sa Unang State of the Nation Address matapos itong umani ng samo’t-saring reaksyon.
Aniya, ang tradisyunal na damit ng Bagobo Tagabawa na isinuot niya sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr ay bilang pagkilala sa isa sa labing isang tribo na sa Davao City.
Dagdag pa niya, isinuot niya rin ito bilang pakikiisa sa mga lumad ng Mindanao at sa marami pang grupo ng mga Katutubo sa buong bansa na nag-aalsa laban sa talamak na pagsasamantala ng teroristang New People's Army.
Isinuot din daw niya ito upang imulat ang lipunan sa pambibiktima ng NPA at ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng National Democratic Front ng Pilipinas sa mga IP.
Patuloy pa rin daw ang bise presidente sa pagsusuot ng mga tradisyonal na damit mula sa mga IP at iba pang grupo na gusto nitong parangalan at makiisa laban sa mga teroristang organisasyon tulad ng NPA .