Tropical Depression Maring, mino-monitor ng PAGASA

Updated: Oct 9, 2021

Weather Update | iNEWS | October 8, 2021


Cotabato City, Philippines - May binabantayan ngayon ang PAGASA na isang Tropical Depression at may local name na “Maring”


Huling namataan ang Tropical Depression Maring sa layong 605 km East ng Virac, Catanduanes.


Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 km/h malapit sa gitna at may pagbugso naman na aabot sa 55 km/h.


Kumikilos ito patungong southward sa bilis na 10 km/h.


Habang patuloy na umiiral sa buong bansa ang ITCZ o Intertropical Convergence Zone.


Magiging maulap naman ang kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Bicol Region, Central Visayas, Eastern Visayas at Caraga.


Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may mga isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.


Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 25 hanggang 31 degree celsius at 60 percent ang chance of rain.


Sa Maguindanao papalo mula 24-34 degree celsius ang agwat ng temperatura at 40 percent ang tsansa ng pag ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 23-31 degree celsius at 60 percent ang chance of rain.


Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 23-30 degree celsius at 50 percent chance of rain.


Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 26 to 31 degree celsius at 50% ang tsansang uulan.



Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 18 to 24 degree celsius at 60% ang tsansa na uulan


Ang araw ay sumikat 5:30 ng umaga at lulubog 5:29 ng gabi.




11 views