top of page

TROPICAL DEPRESSION NA NASA LABAS NG PAR, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN NG PAGASA

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES


Sa datos mula sa PAGASA, lumabas na sa ating bansa si Bagyong Karding.


Ngayon, patuloy itong kumikilos pakanluran o palayo sa ating bansa.


Pero may aasahan pa rin tayong mga pag-ulan dulot ng Habagat.


Sa ngayon ay wala pang nakikitang Low

Photo Courtesy: DOST PAGASA Pressure Area sa loob ng ating Philippine

Area of Responsibility.


At para naman sa ating magiging panahon bukas, sa Cotabato City, maglalaro sa 24 - 31 ang agwat ng temperatura at 88% ang chance of rain.


Sa Maguindanao, papalo rin mula 24- 31 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 88% ang chance of rain.

Sa South Cotabato naman, maglalaro mula 24 –33 degree celsius ang agwat ng temperatura at 70% ang chance of rain.

22- 31 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura bukas sa North Cotabato at 55% ang tsansang uulan.

Sa Zamboanga City, mula 25-30 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura at 61% ang chance of rain.

Habang sa Lanao del Sur naman, papalo mula 21-25 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 55% ang chance of rain.


Sumikat ang araw kaninang 5:32 ng umaga at lulubog 5:37 ng hapon.

2 views
bottom of page