Weather Update | September 24, 2021
Cotabato City, Philippines - Nakakaapekto ngayon ang Easterlies sa bahagi ng Luzon.
Habang mino-monitor naman ng PAGASA ang Tropical Storm Mindulle.
Huling namataan ang Tropical Storm Mindulle sa layong 1,910 km East ng Southern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 85 km/h malapit sa gitna at may pagbugso naman na aabot sa 105 km/h.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may mga isolated rainshowers sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 24 hanggang 32 degree celsius at 80 percent ang chance of rain.
Sa Maguindanao papalo mula 23-33 degree celsius ang agwat ng temperatura at 90 percent ang tsansa ng pag ulan.
Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-31 degree celsius at 90 percent ang chance of rain.
Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 22-32 degree celsius at 90 percent chance of rain.
Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 25 to 31 degree celsius at 80% ang tsansang uulan.
Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 17 to 26 degree celsius at 100% ang tsansa na uulan
Ang araw ay sumikat 5:31 ng umaga at lulubog 5:37 ng gabi.
