Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Sa datos mula sa PAGASA, na bahagya na ngang lumalapit ng Philippine Area of Responsibility ang Tropical Storm Nanmadol at inaasahang papasok ito ng bansa ngayong araw.
Huling namataan bagyong Nanmadol sa layong 1, 530 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.
May lakas ng hangin ito na aabot sa 140 kilometers per hour malapit sa sentro at may pagbugso naman na aabot sa 170 kilometers per hour.
Kumikilos ang Bagyong Nanmadol sa direksyong Westward sa bilis na 15 kilometers per hour.
Samantala, patuloy ring pinalalakas ng bagyong Nanmadol ang Habagat kung saan nakakaapekto ito sa malaking bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Western section ng Mindanao.
At para naman sa ating magiging panahon bukas..
Sa Cotabato City, maglalaro sa 24 - 33 degrees Celsius ang agwat ng temperatura at 50% ang chance of rain.
Sa Maguindanao, papalo rin mula 24- 35 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 50% ang chance of rain.
Sa South Cotabato naman, maglalaro mula 22 – 33 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 60% ang chance of rain.
22- 33 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura bukas North Cotabato at 40% ang tsansang uulan.
Sa Zamboanga City, mula 25-31 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura at 40% ang chance of rain.
Habang sa Lanao del Sur naman, papalo mula 17-27 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 60% ang chance of rain.
Sumikat ang araw kaninang 5:33 ng umaga at lulubog 5:43 ng hapon.