TULONG PINANSIYAL

TANGGAPAN NI CONGRESSWOMAN BAI DIMPLE MASTURA NAMAHAGI NG TULONG PINANSYAL, MEDIKAL AT FOOD PACKS SA MGA MAG-AARAL NG MIRAB ELEMENTARY SCHOOL NA BIKTIMA NG CHEMICAL POISONING
Maguindanao del Norte - Pinagkalooban ng tulong pinansiyal, medikal at food packs si Congresswoman Bai Dimple Mastura sa mahigit isang daan na estudyanteng biktima ng Chemical Poisoning sa Upi, Maguindanao del Norte.
Namahagi ng tulong pinansyal at medikal si Congresswoman Bai Dimple Mastura sa mahigit isang daan na estudyante na biktima ng Chemical Poisoning sa Barangay Mirab, Upi, Maguindanao.
Nakipag-ugnayan sa mga opisyal at ng barangay ang LIMO Team ng Kongresista ng Masa upang mahatid ng tulong medikal at pagkain sa mga biktima kung saan ang iba ay kasalukuyang naka-confine sa Datu Blah Sinsuat District Hospital sa Upi, Maguindanao del Norte.
Lubos na nagpapasalamat ang mga opisyal ng Barangay Mirab, at ang pamilya ng mga estudyante sa pinamahaging tulong ni Congresswoman Bai Dimple Mastura.
Mula sa Department of Sociaal Welfare and Development ang food packs. Nangako ang Kongresista na Masan sa sasagutin ang bayarin ng mga biktima sa ospital.