top of page

TULONG SA MGA BINAHA SA MAGUINDANAO, SENTRONG USAPIN SA PULONG SA PAGITAN NG DSWD AT CONG.BAI DIMPLE

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES


Mabilis na pagtugon at pamimigay ng tulong para sa mga apektado ng baha sa malaking bahagi ng Maguindanao.


Ito ang naging sentro ng pagpupulong nina Congresswoman Bai Dimple Mastura at Department of Social Welfare and Development Undersecretary Jerico Francis Javier.


Kasama ang iba pang opisyal ng DSWD, idinulog ng kogresista ang pakikipagtulungan sa ahensya upang ibsan ang kahirapan ng mga residenteng nalubog sa baha.


Nangako naman ang DSWD na tutugon sa suliranin.


Matatandaang isinailalim na ang Maguindanao sa State of Calamity dahil nasa mahigit dalawang daang libong pamilya na ang apektado ng tubig baha.

0 views
bottom of page